Republika ng PilipinasLalawigan ng BataanLungsod ng BalangaBARANGAY SAN JOSE TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY
KUTUSAN BLG. 01, TAONG 2008 NAGPANUKALA-KAGAWAD CRESENCIO DIMAANO KAUTUSANG NAG-UUTOS SA LAHAT NG HUMIHINGI NG LAHAT NG URI NG LIMOS, SOLISITASYON, TULONG PINANSIYAL O ANUMANG ABULOY SA NASASAKUPAN NG BARANGAY SAN JOSE NA HUMINGI MUNA NG KAPAHINTULUTAN NG PUNONG BARANGAY BAGO ISAGAWA ITO.
Dito'y Ipinag-uutos ng SANGGUNIANG BARANGAY ng SAN JOSE sa ginanap na PAGPUPULONG REGULAR Noong Ika 02 ng Nobyembre, taong 2008 sa Bulwagang Sari-Gamit ng Barangay.
Seksiyon 1 - Ang Kautusan ito ay nag-uutos sa lahat na ang anumang gawain na may kinalaman sa paghingi ng lahat ng uri ng LIMOS, SOLISITASYON, TULONG PINANSIYAL O ANUMANG ABULOY sa nasasakupan ng Barangay San Jose ay kailangang may kapahintulutan ng Punong Barangay o ng Tanggpan ng Punong Barangay bago maisagawa ito.
Seksiyon 2 - Ang kapahintulutang sinasaad dito ay isang sulat o indorso ng Punong Barangay na nagpapahiwatig ng pagkasadya sa Tanggapan ng Punong Barangay at ang nauugnay na Seksiyon 3 - Ang sinumang lumabag, sumuway o hindi sumunod sa Kautusang ito ay papatawan ng Parusang ayon sa mga sumusunod. Unang Paglabag - ₱ 200.00 MULTA Pangalawang Paglabag - ₱ 500.00 MULTA Pangatlong Paglabag - ₱ 1,000.00 MULTA o pagkabilanggo ng hindi lalampas sa 15 araw o kapuwa multa at pagkabilango ayon sa pasiya ng hukuman. Seksiyon 4 - Ang alinman o anumang kautusan o bahagi ng kautusang ito na dito'y salungat at hindi akma ay binabago, pinapalitan pinawawalang bisa. Seksiyon 5 - Ang Kautusang ito ay nagkakabisa at ipapatupad sampung araw matapos pagtibayin.
PINAGTIBAY NGAYONG IKA 02 NG NOBYEMBRE, TAONG 2008 SA BARANGAY SAN JOSE, BALANGA CITY.
|
|