Republika ng PilipinasLalawigan ng BataanLungsod ng BalangaBARANGAY SAN JOSE TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY KAUTUSANG BLG.01. TAONG 2009NAGPANUKALA - KAGAWAD ALEX DUNGCA KAUTUSANG NAGBABAWAL NA PARADAHAN O GAWING PARADAHAN NG ANUMANG URI NG SASAKYAN ANG LAHAT NG DAAN NA PAPASOK NA BAHAGI O LAHAT NG DAAN NA BUKANANG BAHAGI NG LAHAT NG SUBDIBISYON SA NASASAKUPAN NG BARANGAY SAN JOSE. Dito'y Ipinag-uutos sa SANGGUNIANG BARANGAY ng SAN JOSE sa ginanap na PAGPUPULONG REGULAR noong ika 05 ng Abril, taong 2009 sa Bulwagang Sari- Gamit ng Barangay. Seksiyon 1 - Ang kautusang ito ay nagbabawal na paradahan o gawing paradahan ng anumang uri ng sasakyan ang lahat ng daan na papasok o ang bukanang bahagi ng daan ng lahat ng Subdibisyonsa nasasakupan ng Barangay San Jose. Seksiyon 2 - Ang Seksiyon ng kautusang ito na nagbabawal pumarada o paradahan ang nabanggit na bahaging daan ng Subdibisyon ay tumutukoy sa magkabilang panig ng kalsada o daan. Seksiyon 3 - Ang sinumang lumabag, sumuway o hindi sumunod sa Kautusang ito ay papatawan ng Parusang ayon sa mga sumusunod.
Unang Paglabag - ₱ 200.00 MULTA Pangalawang Paglabag - ₱ 500.00 MULTA Pangatlong Paglabag - ₱ 1,000.00 MULTA o pagkabilanggo na hindi lalampas sa 15 araw o kapuwa multa at pagkabilanggo ayon sa pasiya ng hukuman. Seksiyon 4 - Ang aliman o anumang kautusan o bahagi ng Kautusang ito na dito'y salungat at hindi akma ay binabago, pinapalitan o pinawawalang bisa. Seksiyon 5 - Ang Kautusang ito ay magkakabisa at ipapatupad Sampungaraw matapos pagtibayin. PINAGTITIBAY NGAYONG IKA 05 NG ABRIL, TAONG 2009 SA BARANGAY NG SAN JOSE, BALANGA CITY.
|