Republika ng PilipinasLalawigan ng BataanLungsod ng BalangaBARANGAY SAN JOSE TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY KAUTUSAN BLG. 02, TAONG 2008NAGPANUKALA - KAGAWAD LUTGARDO Y. ALONZO KAUTUSANG NAG-UUTOS SA MGA HANAPBUHAY O PUWESTONG- INUMAN NG ALAK O ANUMANG INUMING NAKAKALASING ANG MAGPASKIL, MAGKABIT O MAGLAGAY NG PAUNAWANG NAGBABAWAL SA MGA MENOR DE EDAD ANG UMINOM. Dito'y Ipinag-uutos ng SANGGUNIANG BARANGAY ng SAN JOSE sa ginanap na PAGPUPULONG REGULAR Noong Ika 02 ng Nobyembre, taong 2008 sa Bulwagang Sari-Gamit ng Barangay.
Seksiyon 1 - Itinadhana ng Kautusang ito ang Pagpaskil o Paglalagay ng Pagbabawal Uminom sa mga Menor de Edad sa lahat ng Puwestog may Inuman ng Anumang Alak sa Nasasakupan ng Barangay San Jose. Seksiyon 2 - Ipinag-uutos ng Kautusang ito na ang lahat ng may Puwestong Inuman ay Magpaskil sa Hayag na Lugar sa kanilang Puwesto ng Pagbabawal ng Pagbabawal Uminom sa mga Menor de Edad. Seksiyon 3 - Ang sinumang lumabag, sumuway o hindi sumunod o tumalima sa Kautusang ito ay papatawan ng parusang gaya ng sumusunod. Unang Paglabag - ₱ 200.00 MULTA Pangalawang Paglabag - ₱ 500.00 MULTA Pangatlong Paglabag - ₱ 1,000.00 MULTA o pagkabilanggo ng hindi lalambas sa 15 araw o kapuwa multa at pagkabilanggo ayon sa pasiya ng hukuman.
Seksiyon 4 - Ang alinman o anumang kautusan o bahagi ng kautusang ito na dito'y salungat at hindi akma ay binabago, pinapalitan o pinawawalang bisa. Seksiyon 5 - Ang Kautusang ito ay magkakabisa at ipapatupad sampung araw matapos pagtibayin. PINAGTIBAY NGAYONG IKA 02 NG NOBYEMBRE. TAONG 2008 SA BARANGAY SAN JOSE BALANGA CITY.
|